Sunday, October 25, 2015

Lyrics: Eraserheads - Minsan



Minsan
Eraserheads


Minsan sa may Kalayaan tayo'y nagkatagpuan
May mga sariling gimik
at kaya-kanyang hangad sa buhay

Sa ilalim ng iisang bubong,
mga sekretong ibinubulong
Kahit na anong mangyari,
kahit na saan ka man patungo

Chorus
Ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
Sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
At kung sakaling gipitin ay laging iisipin
Na minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan

Minsan ay parang wala nang bukas sa buhay natin
Inuman sa magdamag na para bang tayo'y mauubusan
Sa ilalim ng bilog na buwan, mga tiyan nati'y walang laman
Ngunit kahit na walang pera, ang bawat gabi'y anong saya

Repeat Chorus

Minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari
Kahit na anong gawin
Lahat ng bagay ay merong hangganan
Dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon
'Di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan

Ngunit kung sakaling ma-padaan baka
Ikaw ay aking tawagan
Dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan

One of my favorite Eheads track! Fifth track from their second studio album "Circus" released October 25, 1994 on BMG Records (Pilipinas) Inc. The album was certified seven times platinum by PARI. The album was voted the Album of the Year during the NU Rock Awards in 1995.

Eraserheads - Wikipedia

Circus (MRMC 050):
A1. Bato
A2. Sembreak
A3. Alapaap
A4. Hey, Jay
A5. Minsan
A6. Punk Zappa
A7. Insomya
A8. With A Smile
B1. Alkohol
B2. Wishing Wells
B3. Kailan
B4. No Royality Album Filler No. 9
B5. Magasin
B6. Butterscotch
B7. Sa Wakas
B8. Prof. Banlaoi's Transcendental Medication
B9. After Every Six Months Or Punk Zappa Three

Bonus Track (CD)
18. Waiting
19. Kailan Lounge